SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MALA-PALIBHASA LALAKE raw ang bagong online show na mapapanood sa Puregold Channel, ang GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes na pinagbibidahan nina Nikko Natividad, Jerome Ponce, at Dave Bornea na libreng mapapanood sa Puregold Channel’s Facebook at YouTube pages simula July 10.
Ayon sa director ng GV Boys: Pangmalakasang Good Vibes na si Don Cuaresma, inspired ang kanilang online show sa Palibhasa Lalake nina Richard Gomez, Joey Marquez, at John Estrada na napapanood noong 1987 hanggang 1998.
Ang GV Boys ay kuwento ukol sa kalokohan ng tatlong male boarders sa isang boarding house. Si Jerome si Jawo (short for Jaworski), kulang-kulang sa mga banatan, hopeless romantic, at sobrang mabilis ma-in love. Si Nikko naman si Dax (Eugene), mabilis ma-love at first sight at ang pinaka-kolokoy. At si Dave si Zeus (Amboy), na tago ang tunay na pagkatao.
Kasama rin sa digital sitcom sina Carmi Martin (landlady), Wilma Doesnt, at Elsa Droga.
At dahil inspired sa Pablihasa Lalake ang digital sitcom, ang tanong ng lahat, matapatan kaya o malampasan nina Jerome, Nikko, at Dave ang galing at kasikatan nina Richard, John, at Joey?
Well, ‘yan ang ating malalaman o aalamin sa oras na mapanood natin ang GV Boys na kung pagbabasehan ang kakulitan nila habang iniinterbyu sila nina Kuya Boy Abunda at Gretchen Ho sa Sabado Bago Live noong Sabado eh andoon ‘yung kulit na nakita sa mga bida ng Palibhasa Lalake.
Ang SBL ay isa sa mga online show ng Puregold Channel na ang host nga ay sina Kuya Boy at Gretchen.
Bagamat Kapuso si Dave, nakatrabaho nap ala nito si Jerome sa isang endorsement kaya hindi na siya nanibago sa actor. Samantalang parehong Kapamilya naman sina Jerome at Nikko.
Ani Dave hindi siya nahirapang makipagtrabaho sa dalawa lalo na kay Nikko. ”Itong si Nikko since sobrang napakakuwela lang, cool lang kasama, kaya hindi po ako nahirapan.
Pinuri rin ni Dave ang kabaitan ng dalawa.
“Well, in fact, napakabait po nilang dalawa, eh.”
Tinanong naman ni Gretchen sina Nikko at Jerome kung mabait naman si Dave.
Sagot ni Nikko, ”Ahh, yes po! Kahit taga-kabilang estasyon siya, wala naman pong nangyaring pambu-bully. Bale nagkakaroon lang po ng pag-compare ng suweldo ha ha ha.”
Bukod sa digital showbiz talk at sitcom mayroon din palang game show ang Puregold, ito ang Playtime Panalo ni Luis Manzano, stand-up comedy show na The Ha Ha Hour ni Alex Calleja, at Mobile Legends: Bang Bang gaming tournament na Puregold Esports Live.