BULABUGIN
ni Jerry Yap
MAINGAY, taklesa, at tsismoso ang naging hilatsa ni Atty. Larry Gadon, nang magkomento siya sa isang radio program (guest lang po siya) na ang ikinamatay daw ng yumaong Pangulo Benigno Simeon C. Aquino III ay may kaugnayan sa HIV (human immunodeficiency virus).
Nalagay din sa alanganin ang estasyon ng radyo — ang DWIZ — kaya humingi na rin ng public apology dahil sa kagagawan ng isang iresponsableng abogadong gaya ni Gadon.
“Pero may HIV siya, kaya ayon, hindi gumaling,” sabi ni Gadon, base sa footage ng interview. At pinaindigan niyang ang kanyang source ay isang kaibigan “who knows the Aquino family well.”
Ibang klase talaga itong si Gadon. Filipino ba siya? Hindi ba’t tayong mga Filipino kapag may pumanaw, kaibigan man, kakilala kahit hindi close sa atin, o kahit kaaway ay inirerespeto natin.
Lalo na kung ang pumanaw ay isang dating lider ng bansa gaya ni PNoy.
O kung hindi man kayang irespeto, e hindi na kailangan kumibo o magsalita tungkol sa pumanaw lalo na kung hindi naman maganda ang sasabihin, hindi ba?
Pero sabi nga, mabilis ang karma ngayon, digital na, 50 mbps pa!
Hayan, niresbakan agad si Gadon ng HIV advocates dahil sa kanyang iresponsableng pahayag na hindi lang haka-haka kundi tsismis talaga, dahil wala siyang matibay na basehan.
E gustong sumikat, bigyan na ng jacket ‘yan! ‘Yung straitjacket!
Kidding aside, seryoso ang HIV advocates na patanggalan ng lisensiya si Gadon dahil klarong paglabag sa Republic Act 11166 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.
Malutong na: “You’re a f**king attorney, yet you are not familiar with RA 11166?!”
‘Yan ang napala ni Gadon!
Abogadong naturingan ‘e nagpapaka-ignorante sa batas.
Hindi ba niya alam ‘yung ignorantia legis neminem excusat (ignorance excuses no one)!
Pero sa puntong ito, ang pahayag ni Gadon ay hindi ignoransiya kundi kaburaraan.
Kaya ang pagiging ‘rumour monger’ ni Gadon o pagkakalat ng ‘fake news’ ay kailangang ‘arestohin’ upang hindi na pamarisan ng ibang kagaya niya.
Sa lalim ng Section 44, Article 6 of RA 11166, malinaw at detalyadong binanggit ang “rule on confidentiality.”
“The confidentiality and privacy of any individual who has been tested for HIV, has been exposed to HIV, has HIV infection or HIV- and AIDS-related illnesses, or was treated for HIV-related illnesses shall be guaranteed.”
“Unless otherwise provided in Section 45 of this Act, it shall be unlawful to disclose, without written consent, information that a person has AIDS, has undergone HIV-related test, has HIV infection or HIV-related illnesses, or has been exposed to HIV.”
The law also states that it is “unlawful” for people to disclose “the name, picture, or any information that would reasonably identify persons living with HIV and AIDS, or any confidential HIV and AIDS information, without the prior written consent of their subjects” on media, including radio broadcasting.
Those who violate the provision can be penalized and imprisoned.
Kaya hayan umuulan ngayon ang “#DisbarGadon” at dalawang araw na trending sa social media.
“DISBAR LARRY GADON FOR VIOLATION OF RA 11166! Under Sec. 44 of RA 11166, disclosing information regarding a person’s HIV status is UNLAWFUL. We condemn this act of privacy violation and misinformation committed by Larry Gadon, a lawyer who should know better! #DisbarGadon”
#JailGadon #DisbarGadon Years of advocacy works in eradicating HIV stigma and discrimination will go to waste if this Baboon will get off the hook. Time to exercise the law into full extent. #RA11166
E hindi lang pala lisensiya ang puwedeng mawala kay Gadon, puwede pa siyang magbakasyon sa hoyo!
Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com