Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Virtual o bubble training sa bagong IOs

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NAKATAKDANG sumalang sa virtual training ang 98 newly hired immigration officers (IO) sa mga susunod na araw.

Originally, 100 ang bilang ng mga IO ngunit nabukelya na ‘undergrad’ pala ang dalawa sa kanila kaya sinamangpalad na hindi nakasama sa naturang training.

Sino ba kasi ang pumadrino sa dalawang ‘yan?

Marami ang nanghinayang dahil sana ay naibigay sa ibang aplikante ang dalawang slots na maliligwak lang pala.

Nagkataon daw kasi na parang masyadong busy ang dating hepe ng Bureau of Immigration (BI) Personnel Section at mukhang ang inaatupag ay ang sarili niyang promotion kaya hindi natutukang mabuti ang requirements na itinatakda ng Department of Justice (DOJ)?

Para sa kaalaman ng mga bagong empleyado, DOJ ang appointing authority para sa Bureau of Immigration (BI).

Siyanga pala, ano itong narinig natin na may ikinakasang ‘bubble training’ para sa mga newly hired IOs sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga?

Huwat?!

“Bubble training ba talaga?!”

So ‘pag sinabing bubble trainingface-to-face rin ito parang larong basketball ng PBA.

Tama ba BI Center for Training and Research?!

Ang alam din natin bago pa man umpisahan ang ganitong pagsasanay ay kinakailangang may regular swab testing para sa trainees nang sa gayon ay ma-monitor lagi na walang positibo sa CoVid-19.

Since wala pa naman sariling suweldo ang mga ‘yan kaya napakalaking burden kung sila pa ang sasagot para sa swab testing nila.

When it comes to training coordinators and resource speakers, I’m sure hindi sila papayag na maging in-house rin sila gaya ng mga trainees.

So ‘pag sila, uwian nang regular, ang chance na mag-acquire ng CoVid ay napakalaki dahil hindi naman alam ng mga nasa ‘academy’ kung sino ang mga nakasalamuha nila.

Ano sa tingin mo, IO Golepang!?

And since come and go ang mga dumarating sa PIA kinakailangan na ang bawat papasok sa training venue ay may swab testing din.

‘Yun nga palang dormitories na tutulugan nila? Kaya ba nito i-accommodate ang 98 persons nang may social distancing??

May regular disinfection ba ng dorms?

Sa mga tinuran natin, parang napakabusisi ‘di ba?

Plus the fact na napakalaki ng badyet na kakainin ng training considering na puwede namang ‘virtual’ lang at gawing actual training sa mga immigration counter sa NAIA para hindi magastos para sa Bureau!

I’m sure papatok ang ganitong sistema sa mga Commissioners ng Bureau.

Bawas gastos pa!

Well… aware ba sila kung gaano kalaking badyet ang kinakailangan para mag-conduct ng isang ‘bubble training?

Properly informed kaya si SOJ Menardo Guevarra sa laki ng risk ng ‘bubble training?’

Sa PBA lang na sandamakmak ang sponsors, sumuko ang liga sa laki ng gastos noong nakaraang ‘bubble conference.’

Sa Bureau of Immigration pa kaya!?

Buti sana kung mabenta pa ang ‘pastillas’…

Asus! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *