Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Orcollo hari sa Classic 9-ball Open

WALANG kupas sa tumbukan si former world champion Dennis “Robocop” Orcollo matapos sikwatin ang korona sa katatapos na 8th Annual Big Tyme Classic Open 9-Ball na ginanap sa Big Tyme Billiards sa Spring, Texas.

Hindi maawat ang pananalasa ni Orcollo sa US circuit nang pagulungin nito si Shane Van Boening ng Amerika sa finals upang masiguro ang kanyang ika-10 titulo sapul nang umatake ang coronavirus (COVID-19) nung nakaraang taon.

Tumungo ng US si Orcollo, hindi pa umaatake ang coronavirus (COVID-19) at nang maminsala na ang mapanganib na virus ay hindi na siya nakauwi dahil sinuspendi pansamantala ang mga sasakyang pang himpapawid.

Naibulsa ni Orcollo ang $4,540 premyo habang nagkasya si Van Boening sa $2,890 konsolasyon.

Dumaan sa butas ng karayom si Orcollo dahil kinailangan nitong talunin si Van Boening ng dalawang beses sa finals.

Nakakuha ng twice-to-beat advantage si Van Boening dahil tumuntong ito sa championship round ng walang bahid ang karta.

Sinargo ni Orcollo ang 10-5 panalo sa Game 1 para makahirit ng do-or-die Game 2.

Nirehistro ni Orcollo ang 8-5 panalo sa second game. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …

ASEAN PARA Games

Pilipinas Umakyat sa Pinakamataas na Puwesto sa ASEAN Para Games Matapos Umani ng 35 Ginto

h1 NAKHON RATCHASIMA – Magkakasunod na itinala nina Para athletes Evenizer Celebrado, Cyril Cloyd Ongcoy …