Saturday , November 16 2024
arrest prison

Mag-utol, nasakote sa Vale (Most wanted sa Northern Samar )

NADAKIP ang mag-utol na tinaguriang most wanted sa probinsiya ng Northern Samar na tinaguriang “top most wanted” sa nasabing lugar sa Valenzuela City, sa magkasunod na oras kamakalawa ng hapon.
 
Kinilala ni Valenzuela City police chief, Col. Ramchrisen Haveria, Jr., ang suspek na si Beltran Cerbito, 55 anyos, Top 3 most wanted persons ng Northern Samar sa tinitirahan nitong bahay sa St. Joseph Compound, Brgy. Bagbaguin, ng lungsod.
 
Batay sa ulat ni P/Major Marissa Arellano, hepe ng Station Intelligence Branch (SIB), dakong 1:45 pm nang maaresto si Cerbito sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) – Branch 22, Laoang, Northern Samar para sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o ang Anti-Rape Act of 1997.
 
Makalipas ang isang oras, nadakip ng mga pulis ang No. 2 most wanted ng probinsiya na si Rommel Cerbito, 23 anyos, sa Zaragoza St., Tondo, Maynila, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng RTC Branch 22, Laoang, Northern Samar RTC para sa kasong rape in relation to R.A. 7610.
 
Ang dalawang naarestong suspek ay kapwa residente sa Valdez Compound, Paso De Blas, Valenzuela City. (ROMMEL SALES)
 

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *