Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Franco Miguel, gigil na gigil sa mga Kano sa pelikulang Balangiga 1901

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SUMABAK sa umaatikabong bakbakan ang grupo ni Franco Miguel sa pelikulang Balangiga 1901 na hatid ng JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna.
Kuwento sa amin ng businessman/actor na si Franco,
 
“Pinatay ko na iyong ibang mga Amerikano. Ganoon kasi ‘yung character ko sa movie, gigil na gigil ako sa mga Amerikano na kaaway natin that time.”
 
Dagdag niya, “Yes, isa ito sa madugong eksena sa Balangiga movie namin na kaabang-abang talaga.”
Tampok sa pelikula sina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Mark Neumann, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Jao Mapa, Ricardo Cepeda, Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Rob Sy, at iba pa, sa panulat at direksiyon ni Danny Marquez.
Sino ang mga kasama niyang nakipagbakbakan sa mga Kano?
 
Tugon ni Franco, “Bale, kami nina Jeffrey Santos and Rob Sy, tatlo lang kaming artista ngayong araw. Pero may eksena rin kami ni Ejay na nakikipaglaban sa mga Kano.”
 
Last June 18 ay nag-resume na ulit ang shooting ng naturang pelikula sa San Rafael, Bulacan.
 
Ang Battle of Balangiga ay isang historic event at itinuturing na one of the bloodiest encounters noong panahon ng Philippine-American war na naganap noong 1899-1902. Dito kinuha ng mga Amerikano ang tanyag na Balangiga Bells.
 
Si Franco ay nagsimula sa showbiz noong 1998.
Napanood siya sa mga pelikulang daring tulad ng Nena Inosente at ang kanyang launching movie ay Mapupulang Rosas with Allona Amor.
 
Ngayon kahit balik-showbiz, mas focus si Franco sa kanyang mga business.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …