ARESTADO ang isang dating job-order traffic enforcer na natanggal sa serbisyo na naaktohan ng mga pulis na nanghuhuli ng mga motorista sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Mike Jefferson Santelics, 39 anyos, residente sa Atis Road, Brgy. Potrero ay nakasuot ng uniporme ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) nang hulihin ng mga tauhan ng Station Intelligence Section dakong 10:35 pm habang naninita ng mga naka-motorsiklong dumaraan sa P. Aquino Ave., Letre, Brgy. Tonsuya.
Sinabi ni Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) chief P/Maj. Ronald Carlos, dakong 10:20 pm nang humingi ng tulong sa pulisya ang traffic enforcers na sina Allan Centron at Eliseo Dizon, kapwa ng PSTMO, matapos makita ang dating kasamahang natanggal sa serbisyo pero naninita ng mga motorista sa naturang lugar.
Inatasan ni Col. Barot ang mga imbestigador na sina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol na alamin kung may mga reklamo ng pangingikil laban kay Santelics.
Ang suspek ay iniharap sa inquest proceeding sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa Article 177 of Revised Penal Code o Usurpation of Authority or Official Functions. (ROMMEL SALES)
Check Also
Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …
Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog
NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …
ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future
DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …
Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital
HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …
Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec
IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …