INIANUNSIYO ng pamahalaang lokal ng Quezon City na umabot na sa 97,714 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa CoVid-19 sa lungsod.
Sa pinakahuling datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), 97.1% mula sa 100,614 nagkaroon ng CoVid-19 ang gumaling na o itinuturing na recovered.
Umabot sa 362,244 ang itinuturing na suspected CoVid -19 cases matapos ang isinagawang contact tracing.
Nasa 1,165 ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos dumanas ng malalang kalagayan dahil sa virus.
Sa kasalukuyan, tumaas sa 1,735 ang active cases sa lungsod habang umakyat sa walo ang mga komunidad na isinailalim sa lockdown.
Ang mga isinailalim sa lockdown nitong nakaraang araw ay Tiberias Alley C. Benitez Street hanggang July Alley, Banahaw St., sa Barangay San Martin De Porres matapos makapagtala ng 16 aktibong kaso ng COVID-19.
Naka-lockdown din ang isang compound sa Barangay Apolonio Samson, may 23 active cases na magtatagal hanggang 14 araw.
Pinagkakalooban ng QC LGU ng mga food packs at iba pang assistance ang mga pamilyang apektado ng lockdown.
Patuloy ang vaccination program sa lungsod, kaya nasa mahigit 500,000 indibidwal na ang nabakunahan, batay sa pinakahuling impormasyon mula sa QC LGU. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …