Thursday , May 15 2025

Direktor ni Juday may panawagan

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SA isang dako ng Palawan na nananahan ang direktor na si Dante “Ga” Garcia.

Sa kanyang kaarawan, ibinahagi nito ang mga pagbabagong dinaraanan niya sa buhay.

“Ang highlight ng 48th birthday ko… Nakantahan ako online ng Agutaynen birthday song for the first time sa buhay ko! 

“Back Story: 

“Bahagi ng Cuyo Island Group ang Municipyo ng Agutaya… Pero may sarili ding lenguahe doon. Agutaynen.  Ibang iba sa Cuyonon. 

“Noong namatay si Tatay,  Agutaynen ang isa sa mga pastor na nag service. 

“After malibing si Tatay, humiling si Pastor ng meeting with me.  Ang agenda ng meeting: “How possible is an Agutaynen movie?” 

“Para akong sinilihan sa tenga sa idea…  Biglang nag flashback ang summer ng 1979. 

“Right after ng graduation sa Kindergarten sa Saint Joseph Academy…Dinala ako nila Tatay sa Algeciras. At sa iba pang isla ng Agutaya. At pinatira doon ng isang buwan. 

“So, mabalik tayo kay Pastor… In 3 days, naipadala ko sa kanya ang Project Proposal. Inaayos niya na makapag present ako sa Council ng Agutaynen noong March. 

“Isa ang hiniling ko sa kanila, dapat sa ThePalawan app ang release ng pelikula para mapanood ng mga nasa isla ang pelikula kasabay ng lahat.

“Kaya after mag live ang app on both Apple and Google, nag request na uli ako ng meeting to explain how the app will work for the project. 

“First Sunday sila nagme-meeting.  Saktong birthday ko, nag present ako. Malugod namang tinanggap ng lahat ang panukala ko. 

“So, mukhang ang A’oi The Movie ang unang gagalaw na #PalawanMadeFreeMovie ng app. 

“Bakit ko kinukwento na? Kasi magaganap ang pelikulang ito kung ida-download niyo ang app at magsa sign-up kayo as user. 

“Kailangan may 100,000 users ang app. Para makakuha kami ng sapat na sponsorship deal pang gawa ng pelikula. 

“Ito ang paraan para matutulungan niyo ako na magawa sa Wikang Agutaynen ang sinubukan kong gawin para sa Wikang Cuyonon sa Ploning. 

“Marine products na inaangkat ni Tatay sa mga isla at ibinabyahe ni Nanay sa Maynila ang bumuhay sa pamilya namin noong bata pa ako.  Halos lahat ng isla sa Agutaya nakaambag doon. 

“Payback film ko ito sa Agutaya.  Samahan niyo ako… #ThePalawanConcierge #48YearsNaGa

Suportahan natin si ‘Ga! Oo, maaalala niyo siya sa Ploning ni Judy Ann Santos. Siya ang nagdirehe niyon. Pero malalim na ang karanasan niya sa industriya sa rami na ng trabahong pinangko niya.

About Pilar Mateo

Check Also

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Rabin Angeles

Rabin Angeles madalas naglalakad patungong Viva

RATED Rni Rommel Gonzales ANG buhay ay parang gulong na umiikot. Kung dati ay nasa …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *