Saturday , November 16 2024
itak gulok taga dugo blood

Misis binurda pinagtatataga ni mister (Sa Quezon City)

ISANG misis ang pinagtataga ng kanyang mister sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang mamatay sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Antonio Yarra, ang biktima ay kinilalang si Realyn Maglimti Lamban,  27, tubong Samar, habang naaresto ang mister na si Ferdinand Suarez Panti, 30, kapwa residente sa Manga St., Sitio San Roque 2, Bagong Pag-Asa, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 3:00 ng madaling araw kahapon, 19 Hunyo, nang maganap ang insidente sa tahanan ng biktima.

Sa mbestigasyon ni P/Cpl. Mark Darwin Contado ng CIDU-QCPD, narinig  ng mga kapitbahay na sina Isah at Anisa Mustapha na sumisigaw ang biktima ng “Tulong tulong may sunog!”

Makalipas ang ilang minuto ay muling sumi­gaw ng  “Tulong tulong sasaksakin ako ng asawa ko!”

Sa takot na madamay, agad inireport ng mga kapitbahay sa QCPD Project 6 Police Station 15 ang nang­yayaring kagulohan sa bahay ng biktima.

Agad nagresponde sina P/Cpl. Reynaldo Corong, at Pat. Melchor Delos Angeles at doon ay naabutang duguang nakabulagta ang biktima habang nakatayo sa harap nito ang suspek na may bahid ng mga dugo sa damit habang nasa tabi ang gamit na bolo sa pananaga.

Naisugod sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dakong 4:37 am, ayon kay Dr. Zyera Prieto.

Sa piitan, ayaw pang magsalita ng suspek kung ano ang motibo sa pananaga sa biktima. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *