Saturday , November 16 2024
harassed hold hand rape

Grade 7, ginahasa ng ‘tiyuhing’ manyakis

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 21-anyos lalaki makaraang halayin ang Grade 7 pamangkin ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City.

Kasong panggagahasa ang isinampa ng mga tauhan ng Valenzuela City Police nitong Sabado ng hapon laban kay Raymond Rindado, alyas Emon, residente sa A. Tongco St., Brgy. Malinta matapos ireklamo ng kanyang 30-anyos live-in partner sa ginawang pagmomolestiya sa 12-anyos niyang pamangkin na itinago sa pangalang Jane.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) noong hatinggabi ng Miyerkoles, 16 Hunyo 2021, ginapang umano ng suspek at puwersahang hinalay ang biktima habang mahimbing na natutulog sa loob ng silid ng kanyang tiyahin sa Kamagong St., Fortune 6, Brgy. Parada sa naturang lungsod.

Matapos ang panghahalay, pinagbantaan umano ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong kahit kanino kung nais pa niyang mabuhay ngunit nitong Biyernes, naglakas-loob na ang biktima na sabihin sa kanyang tiyahin ang kahalayang ginawa sa kanya ni Rindado.

Dahil dito, agad humingi ng tulong ang tiyahin ng biktima kay P/SMSgt. Roberto Santillan ng Station Intelligence Section na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek matapos makipagtipan sa kanyang kalive-in sa harap ng simbahan ng Karuhatan pasado 9:00 pm, kamakalawa.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *