TATLONG nagtatago sa batas kabilang ang dalawang bebot ang naaresto sa magkakahiwalay na joint operations ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan.
Ayon kay Malabon City police chief Col. Albert Barot , dakong 10:10 pm nang magsagawa ng joint manhunt operations laban sa wanted persons ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/SMSgt. Addrich Reagan sa ilalim ng pangangasiwa ni P/CMSgt. Gilbert Bansel, kasama ang NPD-DSOU at 4th MFC, RMFB-NCRPO sa Langaray St., Brgy. Longos.
Inaresto sa operation si Raymond Cerbito, 23 anyos, residente sa Block 9, Lot 18, Phase 2, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Antonia Linsangan Largoza-Cantero, Presiding Judge ng RTC Branch 291, Malabon City para sa kasong Murder na may petsang 17 Marso 2021.
Dakong 10:00 pm nang maaresto rin ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/SMSgt. Joey Sia, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO sa Polytech St., University Hills Subd., Brgy. Potrero, Malabon City si Cynance Boyence, 49 anyos, may-asawa, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Lynna Pacamalan Adviento, Presiding Judge ng RTC Seventh Judicial Region, Branch 58, Cebu City para sa kasong Grave Threat.
Samantala, nahuli rin ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/SMSgt. Armando Isidro, Jr., sa Blk 50, Lot 80, Phase 2, Area 3, Kaunlaran Village, Brgy. 20, Caloocan City si Bernaditha Cahilig, 73, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano, Presiding Judge, Metropolitan Trial Court, Branch 55, Malabon city para sa kasong Estafa. (ROMMEL SALES)