Friday , April 4 2025

17-anyos estudyante nagbigti (Iniwan ng boyfriend)

DAHIL sa bigat ng dinanas, tinapos ng isang dalagita  ang kanyang sariling buhay sa pamama­gitan ng pagbibigti sa sarili matapos silang maghiwalay ng kanyang boyfriend sa Malabon City.

Ayon kay Malabon City police chief, P/Col. Albert Baro, nadiskubre ang katawan ng biktima na itinago sa pangalang Ashley ng kanyang pinsan na nakabigti sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon dakong 8:30 am gamit ang isang lubid na nakapulupot sa kanyang leeg, habang ang dulo ay nakatali sa biga ng kisame.

Sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Michael Oben, dumanas ng depresyon ang dalagita matapos silang mag-break ng kanyang boyfriend, isang linggo na ang nakalipas.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong 8:00 am nang magtungo ang kanyang ina sa trabaho sa kalapit na computer shop.

Makalipas ang ilang sandali, inutusan ng ina ng biktima ang kanyang pamangkin na tawagin ang kanyang anak sa kanilang bahay kung saan ito nadiskubreng nakabigti.

Mabilis na isinugod ng ina ang biktima sa San Lorenzo Ruiz General Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *