ni Nonie Nicasio
Noong September 18, 2020, ang www.marcopoloignacio.com ay ini-launch bilang artist-business platform para mag-provide ng sheet music at music commissions. Ang kanyang Rondalla Symphonia 2020 ay nag-launch din sa kanyang website na ang sound samples ng kanyang mga komposisyon ay available sa kanyang YouTube channel.
Siya ay naging co-author ng rondalla arrangement book, with Anthony Ryan T. Cruz. Ito ay naaprubahan noong December 2020, bilang book project under DepEd Region III. Ito ay ire-release sa DepEd Schools sa Region III sa School Year 2021-2022. Ang sound samples ng ilan sa kanyang rondalla arrangements ay maaaring mapakinggan sa YouTube.
Si Marco Polo ay tubong Santa Maria, Bulacan at nagtapos sa University of Santo Tomas Conservatory of Music with a degree of Bachelor in Music, Major in Composition.
Unang natutong mag-piano sa gulang na 5 at naging main instrument ang violin sa gulang na 7. Una siyang nag-enrol sa conservatory as a violin major, kinalaunan ay nag-shift sa composition noong third year dahil sa paglaki ng kanyang interes sa arranging, orchestration, at composition. Naging matagumpay ang kanyang graduation recital sa UST noong October 1, 2007, under Professor Manuel Maramba at Antonio Africa.
Naging district rondalla instructor siya ng Sta. Maria, Bulacan noong 2006. Sa mga taong ito’y inareglo niya ang mga simpleng piyesa ng rondalla na kinalaunan ay na-compile bilang methods book niya para sa rondalla ensemble. Lagi niyang inaareglo ang mga kanta sa pamamaraang madali para sa guitar at bass section at ang melody ng kanta ay hindi mahirap para sa mga Grades 4 to 6.
Noong 2018 at early 2019, in-arrange niya ang ilang mga popular na musika para sa rondalla tulad ng: Titibo-Tibo, Kiss Me, Kiss Me, Mundo, at Buwan.
Naging viral ang video ng rondalla’s version ng Mundo at na-feature sa 24 Oras ng GMA 7. Ito ay ibinahagi rin sa iba’t ibang news pages sa Facebook at blogs, na naging daan para ang school rondalla ng FFHNAS ay maging kilala.
Noong sumunod na school year, tinugtog nila ang Star Wars Medley, Game of Thrones Medley, at ang pop song na Ikaw at Ako, na naging daan sa kanilang TV guesting sa UNTV’s Good Morning Kuya at Talentado Ka segment ng TV5.