SWAK sa kulungan ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya habang naglalaro ng cara y cruz, na ang itinataya umano’y shabu sa Malabon City, kahapon, Huwebes, ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Rommel Cabading, 39 anyos, construction worker; at Franz Gelloagan, 31 anyos, isang garbage trader, kapwa residente sa Brgy. Longos.
Batay sa imbestigasyon ni P/MSgt. Randy Billedo, dakong 3:40 am nang respondehan ng mga operatiba ng Malabon Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni P/SSgt. Mitchum Caoy ang natanggap na ulat hinggil sa isang grupo na naglalaro ng cara y cruz sa kahabaan ng Hiwas St., Brgy. Longos.
Gayonman, nang mapansin ng mga nagsusugal ang pagdating ng pulisya, mabilis na nagpulasan sa magkakahiwalay na direksiyon.
Nagawang maaresto ng mga operatiba ang dalawa sa kanila na sina Cabading at Gelloagan.
Nakompiska sa mga suspek ang tatlong pirasong peso coin na gamit bilang pangkara, P600 bet money, at limang transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 7 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P47,600.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 11 Article II of RA 9165 at PD 1602. (ROMMEL SALES)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …