Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Mga Komisyoner at Kapitalista

PANGIL
Tracy Cabrera
 
Corruption is worse than prostitution. The latter might endanger the morals of an individual, the former invariably endangers the morals of the entire country.
 
— Austrian satirist Karl Kraus
 
PASAKALYE:
 
Text message:
Pagtanggal ng facemask sa fully vaccinated pag-aaralan. Pagalingan nina health undersecretary Maria Rosario Vergeire, OCTA at WHO. Dapat daw payagan na ang taong bakunado na mag-alis ng facemask. Sabi ng OCTA, dahan-dahanin nang i-relax ang mga Pinoy na nagpapabakuna. At sabi naman ng World Health Organization (WHO) na kahit bakunado na ay kinakailangan pa rin ang pagsusuot ng facemask para makaiwas sa sakit? E kahit pala wala nang CoVid dapat pa rin mag-mask para makaiwas sa ibang sakit? Ayos ‘di ba? Unti-unti na raw dumarami ang nagpapabakuna kaya bumaba ang bilang ng mga kaso ng impeksiyon. Kung totoo iyan, bakit ngayon nasa 8,748 bagong kaso ang tumaas na naman? Pero noong last week, nasa 3k lang ang bilang ng mga kaso, ang baba ‘di ba? Kung marami na ang bakunado, bakit biglang taas? Kasi sabi ng ilang expert sa medisina, kahit bakunado ka puwede ka pa rin mahawa. Useless din pala ang bakuna at mas okay pa ang facemask at face shield. Magpabakuna ka tapos huwag nang magsuot ng mask, mahahawa ka pa rin. Pero kahit hindi ka bakunado, mag-mask ka e ligtas ka. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818… 0928 May 30, 2021)
 
Text message:
WALA nang kuwenta ang mga balita sa araw-araw sa bakuna. Paulit-ulit ang mga kagaguhan, katarantaduhan at mga kaletsehan ng pagbabakuna. Nakaiinis, nakabubuwisit, nakakukunsumi, nakaha-high blood at nakasisira ng araw. Nakasusuka na kayo sa mga kadramahan ninyo sa bakuna. May nagbebenta pa ng bakuna e ilegal daw. Bakit may legal pa ba sa ginagawa ng taga-gobyerno? Ang magnakaw ba at mangurakot e legal ba? Bakit mga nagnanakaw kay . . . pero hindi kayo makasuhan at makulong. Iyang bentahan ng bakuna saan, paano, at sino promotor n’yan? Mamamayang magsasaka, mangingisda, at mga manggagawa ba? O kayo rin nasa gobyerno? Sa BoC, tiyak ang bagsak at palusot n’yan kung sa ibang bansa manggagaling. May nakulong ba sa mga aso ni PIM sa mga ahensiyang sangkot sa kawalanghiyaan? NBI, PNP—lahat kayo—makisawsaw kayo at mag-imbento ng mapaparatangan ninyo rito. Kung nasa likod ng Malakanyang ang ugat nito, tiyak maglalaho parang bula ang isyu. ‘Di ba DOH DUQWE? Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, 10:19, Wednesday, May 26, 2021)
 
REAKSIYON:
Koreksiyon lang naman…
Hindi po mga magnanakaw ang nasa ating gobyerno at hindi rin po sila corrupt.
Ang totoo po, ang mga opisyal na nasa ating pamahalaan ay mga commissioner at kapitalista.
Bakit?
Hindi nga ba nangungumisyon sila sa lahat ng transaksiyon kaya roon sila nagkakapera? Ito ang kababuyan nila gamit ang pork barrel, procurement ng mga kagamitan at supplies — mula sa toilet paper hanggang sa mga mamahaling computer, sasakyan at marami pang iba, at pagsasagawa ng mga proyekto na para raw sa ikagaganda ng ating bansa.
 
Maituturing din mga kapitalista ang ating mga lider sa gobyerno dahil namumuhunan sila para pakinabangan sa bandang huli tulad ng mga kaibigan nating negosyante na sa paglagak ng piso ay nais kumita o tumubo ng isang libong piso!
 
* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …