Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lacson iginiit: Tiktok ‘di sagot sa problema ng ‘Pinas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


“The country’s problems cannot be solved by TikTok, by photo ops, by lip service.”
Ito ang diretsahang tinuran ni Senador Ping Lacson ukol sa mga gustong tumakbo sa 2022 election na ginagamit ang Tiktok at iba pang social media platform para magpapansin o makakuha ng boto.

Reaksiyon niya rin ito sa mga tila nagre-request sa kanya na mag-Tiktok.

Hindi naman kasi maikakaila na marami ang aliw na aliw sa Tiktok kaya maging ang mga politiko ay nahu-hook din dito.

Pero ibahin natin si Lacson dahil para sa kanya hindi ito ang tamang platform o paraan para maka-solve sa sandamakmak na problemang  mayroong ang Pilipinas.

Para kay Lacson ang Tiktok ay maihahalintulad din sa mga dati nang ginagawang photo ops ng mga politikong tumatakbo. Pagpapa-pogi lang at hindi pag-aksiyon o pag-solve sa problema.

Isa si Lacson sa mga ikinokonsiderang hottest presidential contenders sa 2022 bagamat wala pa siyang inia-announce ukol kung tatakbo nga ba siya.

Nagpahayag na ng suporta sina Senator Tito Sotto at Manila Mayor Isko Moreno at kagustuhang maging running mate kung tatakbo ito sa Panguluhan.

Subalit wala pa ring pahayag si Lacson dito. Aniya, ”I always consider the presidency or leading any particular organization a calling. It is a big responsibility.”

Bago ito, marami ang humanga sa post niya sa Twitter na tila ukol sa pagtakbo niya bilang Pangulo. Aniya, ”Best to think long and hard. It is not a game or a joke.”

So there, wait na lang tayo sa magiging announcement pa ni Sen. Lacson kung pagbibigyan ba niya ang maraming panawagan ng mga netizen na tumakbo nga siya bilang Pangulo sa 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …