ni Nonie Nicasio
John Padilla, proud maging anak ng miyembro ng LGBTQ
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ng Bidaman finalist na si John Padilla na proud siyang maging anak ng miyembro ng LGBTQ.
Ang tumatayong isa sa magulang ni John ay ang kanyang Dada Edna na nag-aruga sa kanya nang siya’y bata pa at tumayong step dad niya.
Wika ni John, “Super-proud po and super-blessed, na alam mo iyon? I get to see the beauty of LGBTQ community. I grew up with the guidance of my dada, because she’s a lesbian and she took good care of me for the past 21 years.”
Nakita raw ng aktor ang kanyang biological father nang siya ay 16 yeard old na, pero nag-reconcile naman na sila.
Si John ay tampok sa Padayon, BL series ng Dilat Productions. Ang Padayon is a Visayan word na ang kahulugan ay onward o to continue. Written and directed by Tyrone Lim, si Ian Rosapapan ang co-star dito ni John.
Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career?
“Ang wish kong mangyari sa career ko is to be healthy iyong career ko. Like, alam mo iyon? Iyong healthy ‘yung career ko… iyong sana laging may project.”
Isa si John sa talents ng Mannix Carancho Artist and Talent Management na pinamumunuan ng President at CEO ng Prestige International na si Mannix Carancho at Marketing Director nitong si Amanda Salas.