NAIS ipawalang-bisa ng Quezon City government ang kontrata nito sa service provider ng eZConsult, ang online booking registration para sa mga nais magpabakuna sa lungsod.
Ito ay dahil sa kawalan ng aksiyon ng Zuilleg Pharma Corporation sa naranasang technical problem sa nakalipas na ilang araw.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, kaya kinuha ang serbisyo ng eZConsult ay para mapadali ang proseso ng pagpapatala ngunit sakit din pala ng ulo ang sistema.
Sabi ni Belmonte, nasasayang ang sakripisyo ng medical frontliners at mga residente ng lungsod dahil sa kapalpakan ng online system.
Pinaghusay na ng pamahalaang lungsod ang pagbabakuna sa paraang walang walk-in upang maiwasan ang bulto ng mga nais magpabakuna.
Dahil dito, binigyan ng alkalde ng ultimatum ang Zuellig Pharma Corporation na ayusin ang kanilang sistema para makapagbigay ng maayos na serbisyo sa lungsod.
Nagsimulang magkaroon ng technical difficulties mula pa noong 10 Hunyo 2021.
Ayon sa reklamo, nahihirapan ang mga taga-QC na makapagparehistro ng online sa eZConsult.
Tinitingnan ng Quezon City government ang pagsasampa ng kaso sa kabiguan ng Zuilleg Pharma Corporation ang contractual obligation sa local government hanggang Biyernes, 18 Hunyo 2021, sakaling mabigong maisaayos ang kanilang serbisyo.
Nagpadala na rin ng liham si City Attorney Orlando Casimiro sa Zuellig Pharma Corporation sa pamamagitan ng General Manager na si Danilo Cahoy, para hingiin ang liquidated damages sa naganap na technical failures ng eZConsult.
Sa naturang demand letter, ipinaalala ni Casimiro ang terms of reference ng kontrata ng Zuellig kaugnay sa obligasyon nito na makapaghatid ng available Information Technology Services, tulad ng registration, pre-assessment, booking at scheduling ng pagbabakukna sa mga residente sa pamamagitan ng digital forms. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …