Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, inengganyo ang madlang pipol para magpabakuna

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SASABAK muli sa paggawa ng pelikula ang award-winning actress na si Aiko Melendez. After two years ay nagkaroon ulit siya ng time na gumawa ng movie, kahit may pandemic pa rin.
 
Nabanggit ito ni Ms. Aiko nang maka-chat namin siya sa Facebook recently.
 
Lahad niya, “Yes po kuya, lock-in shooting ng three days po.”
 
Hindi ba siya nag-aalala na laganap pa rin ang Covid 19?
 
“I’m kinda used to lock-in set up po, kasi sa Prima Donnas nakadalawang cycle po ako, e. And paumpisa na rin po kami ng taping sa first week of August, iyon po mas matagal ang lock-in taping po,” saad pa ni Ms. Aiko hinggil sa Book-2 ng kanilang top rating na teleserye sa GMA-7.
 
Dagdag ng Kapuso actress, “Vaccinated na po ako, so medyo nabawasan na ang takot ko, pero ingat pa rin po siyempre sa virus.”
 
Kompleto na ba siya ng vaccine at ano ang itinurok sa kanya?
 
“Opo, two na po ang vaccine ko. Sinovac po ako,” pakli pa niya.
 
May naramdaman ba siyang side effects? “Iyong second shot ko po, parang flu like siya, pero kaya naman and it didn’t last long po.”
 
Inengganyo rin ng aktres ang madlang pipol na samantalahin ang pagkakataon na makapagpabakuna.
“Dapat iyong mga tao po, when they have access po sa bakuna, magpabakuna na po sila. Kasi, added protection po ito sa atin, lalo na iyong virus na kalaban natin ay hindi nakikita.
 
“Ako kasi po, nawalan ng tatay dahil sa CoVid-19, kaya maingat po kami sa pamilya po,” esplika ni Ms. Aiko.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …