DINAKIP ng mga ahente ng National Burreau of Investigation (NBI) ang apat na nagbebenta ng Remdesivir, isang uri ng gamot sa mga pasyente ng CoVid-19 matapos ang isinagawang entrapment operation sa Quezon City, kahapon.
Kinilala ni NBI officer in charge (OIC) Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Maria Cristina Manalo, Christopher Boydon, Philip Bales at Bernard Bunyi.
Ayon kay Distor, ang operasyon ng NBI Special Task Force ay bunsod ng natanggap na impormasyon na talamak ang online selling ng gamot sa bansa.
Inianunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na ang paggamit ng naturang anti-viral drugs ay nangangailangan ng Compassionate Special Permit (CSP).
Napag-alaman, ang CSP ay ibinibigay lamang sa mga lisensiyadong doktor o ospital na magiging responsable sa paggamit at pagbebenta ng Remdesivir.
Ang may hawak ng CSP ay dapat ipaalam sa mga pasyente ang benepisyo o panganib sa paggamit ng nabanggit na gamot at kailangan din iulat sa FDA kung ano ang naging resulta sa pasyente na gumamit ng Remdesivir.
Dahil dito, patuloy ang ginagawang pagtukoy ng NBI-STF sa mga ilegal na nagbebenta ng gamot hanggang maka-order sa online seller na ang presyo ng bentahan ay umaabot sa P4,500 hanggang P5,000.
Sa entrapment operation, unang nadakip sina Manaig Boydon at Bale sa West Avenue QC, habang si Bunyi ay naaresto sa Timog QC.
Nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9711 o ang Food Administration Act of 2009 at RA5921 (Philippine Pharmacy Act). (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …