Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
International flights papayagan na ng IATF-MEID
UNTI-UNTI nang dumarami ang mga international flights ngayon sa iba’t ibang paliparan sa buong Filipinas.
Indikasyon raw ito na nakatakdang bigyang daan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagbubukas ng turismo sa ating bansa.
Bagamat alam natin na malayo pa tayo sa tinatarget na 70 porsiyentong bakunado para sa herd immunity dumarami na raw ang panawagan na buksan ang tourist spots para sa foreign nationals na nananabik makabalik uli sa Filipinas.
“Hindi kaya POGO workers lang ang nananabik na makabalik?!”
Sa Laoag International Airport, ang huling biyahe nito ay noon pang 2017, binuksan na ulit para sa isang arrival flight mula Kuala Lumpur.
Tama ba ang inyong lingkod, Mr. Panotsky?
Sinasabing kasunod na nito ang flights na bubuksan para sa San Francisco at Los Angeles, USA.
Huwaw!
Sabagay, alam naman natin na maraming ‘GI’ o Genuine Ilocano riyan sa Ilocos.
Sana sa mga darating na araw ay ganito na rin sa Iloilo International Airport, Bohol-Panglao, Puerto Prinsesa at pati sa Kalibo International Airport!
Para naman hindi DMIA-Clark lang ang laging everyday happy?!
He he he…