HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NAG-SHARE naman si Ken Chan ng bago sa kanyang mga ginagawa ngayon. At ito ay isang negosyo.
“Matagal kong pinag-isipan kung saan ko ilalagay ‘yung mga naipon ko. Lalo na sa panahon ngayon kailangan mo talagang maging wais sa pagpili ng negosyo na papasukin mo.
“Araw-araw, gabi-gabi akong nagdarasal sa Panginoon na dalhin Niya ako sa tamang lugar. Ngayon proud akong sabihin na parte ako ng iFUEL Gasoline Station.
“Hindi ako nagkamali sa pinili ko dahil kahit na dumating ang pandemya mas lalong lumakas ang mga gasolinahan namin and for me that’s a miracle. Dinala ako ng Panginoon sa lugar kung saan hindi lang ang sarili ko ang natulungan ko pati na rin ang buong pamilya ko at mga taong nangangailangan ng tulong ko.”
At nagpahatid siya ng pasasalamat sa isang Ms. Krizzia at sa buong team ng iFUEL Gasoline Station.
Pakiramdam nga ni Ken, eh he’s so blessed. Kung kaya niya raw eh, siguradong kakayanin niyo rin ang nasabing negosyo.