Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Faith nakatulong ang work-out at meditation

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI maitago ni Faith da Silva ang excitement na maipalabas na ang Las Hermanas.

Sa nakaraang interview, ikinuwento niya ang naging paghahanda para sa karakter na si Scarlet. ”Aside from workshops, nag-start ako mag-meditate. I kept working out. Before mag-start ‘yung lock-in taping, I was so pressured so I think nakatulong sa akin ‘yung pagwo-work-out ko because naging confident ako. In this project, ibibigay ko talaga lahat ng mayroon ako, ibibigay ko ‘yung buong puso ko.”

Dagdag pa ni Faith, nakare-relate siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya dahil sa totoong buhay ay malakas din ang kanyang loob at determinado siyang makuha ang gusto.

Ibinahagi rin niya kung ano-ano ang mga inimpake para sa nagdaang lock-in taping. ”Ang dami kong dinala talaga! Mayroon akong blanket. Pescatarian ako, ang pinakamarami ko sigurong nadala is pagkain, healthy na snacks, Okra chips ko, lahat ng mga healthy na puwede kong dalhin na hindi masisira agad, dinala ko na.”

Makakasama ni Faith sa Las Hermanas sina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Jason Abalos, Jennica Garcia at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …