Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ashley Aunor, sobrang happy sa 2 nominations sa 12th Star Awards for Music

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SUMUNGKIT ng dalawang nominations ang talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor sa gaganaping 12th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Nominado si Ashley para sa mga kategoryang Novelty Artist of the Year at Novelty Song of the Year para sa kantang Mataba.
 
Nagpahayag ng labis na kagalakan si Ashley sa naturang achievement.
 
“Sobrang happy po! Kasi despite the pandemic, may malaking blessing na dumating po. Super thankful ako,” saad niya nang kunin namin ang kanyang reaksiyon sa kanyang double nominations.
Dagdag pa niya, “Ate Marion and I co-wrote and co-produced the song together. Ako rin ang nag-areglo and nag-mix ng song.”
 
Ibig sabihn kapag nanalo siya, kalahati ng trophy ay kay Marion?
 
Nakatawang tugon ni Ashley, “Siyempre po, achievement namin pareho iyon, hahaha!”
 
Ang Mataba ang unang single ni Ashley. Last year ay naging nominado rin siya para sa nasabing kanta sa Awit Awards para sa kategoryang Best Novelty Song.
 
Iyong Mataba, sa palagay ba niya ay kantang talagang hindi niya makakalimutan?
 
Tugon ni Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash, “Yes, kasi ito ang song na nag-boost ng confidence ko and kung saan nai-share ko ang advocacy ko against body shaming.”
 
Inusisa rin namin kung may bago bang aabangan ang kanyang fans? “May new music ako soon and masasabi ko lang for now is medyo surprising siya,” nakangiting wika pa ng bunso ng 70’s teenstar na si Ms. Maribel Aunor.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …