SWAK sa kulungan ang isang tricycle driver na nakuhaan ng shabu sa isang checkpoint habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City.
Kinilala ang suspek na si Rodel Deran, 38 anyos, tricycle driver ng S. Cristobal St., Karuhatan na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator P/Cpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 2:30 pm, nagsasagawa ng checkpoint sa harap ng Sea Oil sa Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan ang mga tauhan ng Sub-Station 9 sa pangunguna ni P/Lt. Francisco Tanagan nang parahin ni Pat. Sunny Mercado at P/Cpl. Darwin Orale si Deran na sakay ng isang motorsiklo.
Nang hingin ang kanyang driver’s license para sa berepikasyon, nakita ni Pat. Mercado ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya’t agad inaresto ang suspek at nang kapkapan ay nakakuha ng isa pang plastic sachet.
Tinatayang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P17,000 at isang kulay asul na Rusi motorcycle, walang plaka ang nakompiska sa suspek. (ROMMEL SALES)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …