Saturday , November 16 2024
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

P1.054-B shabu sa tea bbags nasakote sa 2 Chinese

NABITAG ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Chinese national at nakompiskahan ng mahigit P1.054 bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations na ikinasa sa Cavite at Parañaque City, nitong Linggo ng hapon.
 
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang isa sa mga suspek na si Man Kuok Wong, alyas Jose Baluyot Wong, 39 anyos, ay naaresto sa isang buy bust operation dakong 4:00 pm sa Villan Nicacia, Tanza Numa 6, Aguinaldo Highway, Imus, Cavite.
 
Nakompiska mula kay Wong ang tinatayang aabot sa 117 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P795.6 milyon na nakatago sa tea bags.
 
Nakuha rin mula sa suspek ang marked money, cellular phone, Toyota Corolla, may plakang TPF-197; Mazda CX-5, may plakang NCU-5075 at Nissan GTR na may conduction sticker na F2P-235.
 
Samantala, ang suspek na si Zhizun Chen, 38 anyos, ay naaresto ng joint team ng mga pulis at PDEA sa parking lot ng isang supermarket sa Brgy. Baclaran, Parañaque City dakong 3:00 pm.
 
Nakuha ng mga awtoridad mula sa suspek ang 38 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P251 milyon, nakatago rin sa tea bags; isang mobile phone, maroon na Mitsubishi Lancer, may plakang WFG-362, at silver Chrysler, may plakang WIV-952.
 
Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/MGen. Vicente Danao, ang suspek at ang mga ebidensiyang nakuha ay nasa kustodiya na ng PDEA para sa kaukulang disposisyon.
 
Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *