Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Vergel Meneses lalaban sa Miss Earth (Environmental Vegetarianism isinusulong)


SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


I
SA sa makikipagpukpukan sa 68 kandidata sa Miss Philippines Earth na gaganapin sa July 25 ang anak ni Bulakan, Bulacan mayor Vergel Meneses, si Roni Meneses.

Bago sumabak sa Miss Philippines Earth si Roni, naging Miss Mandaluyong 2020 muna siya.

Tulad din ng kanyang amang magaling sa basketball, mahilig din sa sports si Roni dahil noong high school ay naglalaro siya ng volleyball at basketball. Nagtapos siya ng BS Clothing Technology sa UP Diliman, at abala ngayon sa kanyang clothing brand na RM Couture and RM Kitchen.

Suportado si Roni ng kanyang amang si Vergel. Aniya, ”Buong-buo ang suportang ibinibigay niya sa akin. Araw-araw inaalam niya kung ano ang mga ginagawa at gagawin ko. Nagtatanong din siya kung paano siya makatutulong sa akin.

“Lagi rin niyang sinisiguro na nakakakain, nakakapagpahinga ako at siyempre kung ako raw ba ay masaya sa aking mga ginagawa,” pagbabahagi ni Roni.

Isinusulong niya ang environmental vegetarianism na hinihikayat niya ang bawat isa na umiwas sa pagkain ng karne.

“Sa hindi natin natin pagkain ng karne, makatutulong hindi lamang sa ating kalusugan pati na rin sa kalagayan at kahabaan ng buhay ng kalikasan. Ang pagkonsumo ng mga prutas at gulay lamang ay isa sa maraming paraan para mabawasan ang polusyon, global warming, at climate change.”

Sa huli, humingi naman ng suporta si Roni sa mga netizen na idinaan niya sa kanyang Instagram post.

“Please continue to support me in this new journey.Kakayanin ‘to. Laban para sa kalikasan.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …