Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John bilib kay Coco — He has his own genius (Cardo nabulol sa sobrang galit)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


N
AALIW at napagkatuwaan ng ilang netizens ang isang eksena ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya naman nag-viral ito. Ito iyong eksenang bigla siyang sumugod kina Christian Bautista na galit na galit.

Komento ng ilang netizens: ”Sorry…ano daw? Kelangan ko ata ng subtitle.”

“omg! Di ko rin naintindihan”

“Wala ako naintindihan kahit inulit ulit ko na.”

“Pagod na lolo nyo at ang AP”

Sa rami ng nagkomento tila walang nakahula kung ano ba talaga ang sinabi ni Cardo Dalisay.

Sa kabilang banda, puring-puri naman ni John Arcilla si Coco. Anito, si Coco ang dahilan kung bakit tumagal ang Ang Probinsyano ng anim na taon.

Si Coco ay guma­ganap bilang si Cardo bukod pa sa pagiging director at creative ng FPJAP.

Sa interbyu ng ABS-CBN News kay John, sinabi nitong, ”Coco knows his weakness, and that is his strength. He knows his shortcomings and that’s why he is good. Iyon ang nakikita ko kay Coco.

“Kahit ako, nami-mesmerize sa pagpasok ng storytelling sa mind niya, iyong surprises. Bilib ako,” sambit pa ni John.

“Coco has his own genius. He knows his audience. He knows how to deal with them. Alam niyang kilitiin, at alam niya ang gusto niyang gawin. He has his own genius. That’s how I see him,” paliwanag pa ni John na ginagampanan ang role ni Renato Hipolito.

Ang Ang Probinsyano ay napapanood sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, CineMo, iWant TFC, TFC, WeTV, at iflix.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …