Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love Square tampok sa Magpakailanman

Rated R
ni Rommel Gonzales

KAPWA nasa isang magulong relasyon sina Jon at Anne. Si Jon ay mayroong kinakasama—ang mas bata at kasosyo niya sa negosyong si Kim na madalas ding pagkamalan ginagatasan niya. Si Anne naman ay nakatali sa isang tomboy—si Roxy.

Pero sa una pa lamang nilang pagkikita ay hindi na maitago ang malakas na koneksiyon at pagtingin sa isa’t isa. Sinubukang i-chat ni Jon si Anne pero hindi siya sinasagot nito. Pagkatapos lamang ng limang taon nang pagbigyan ni Anne si Jon na magkita sila.

Ngunit matutuklasan ni Jon na si Anne ay may relasyon sa isang tomboy. At nais ng mga iton na gawin siyang ‘sperm donor’ sa binabalak na pagbubuntis ni Anne sa pamamagitan ng “in-vitro”. Gulat sa nalaman, nilayuan na ni Jon si Anne.

Kung paano muling ipaglalaban nila Jon at Anne ang kanilang masalimuot na pag-iibigan ang tampok na kuwento ng Magpakailanman na pinamagatang Love Square.

Tinatampukan ito nina Dion IgnacioMaxine MedinaArny Ross, at Yvette Sanchez. Idinirehe ni Neal del Rosario, pananaliksik ni Karen Lustica, at panulat ni Vienuel Ello, mapapanood ito sa Sabado, 8:00 p.m. sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …