ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Sining Manileño, sa pangunguna ni Deputy Majority Floor Leader Yul Servo Nieto, katuwang ang The Art District Gallery ay maghahahandog ng free basic scriptwriting workshop para sa mga Batang Maynila.
Nais mo bang maging scriptwriter? Mahasa ang husay at galing sa pagsusulat ng mga essays, short stories, at script sa mga dula o pelikula? Ito na ang workshop na para sa iyo!
Narito ang qualifications:
1. Lalaki o Babae
2. Residente ng lungsod ng Maynila
3. 18 hanggang 25 na taong gulang lamang
4 Mahilig o hobby ang pagsusulat
Requirements:
– Maghanda ng isang pahinang biodata
– Magdala ng Barangay Certificate of Residency bilang patunay na naninirahan sa lungsod ng Maynila
– Isang pahinang writing sample na maaaring tungkol sa kahit na anong topic na napupusuan (essay, short story, script etc.)
– Mangyaring dapat ikaw mismo ang nagsulat nito.
Para sa karagdagang katanungan ay maaaring tawagan si Mr. Donato Nesperos sa numerong 0927-793-7441 upang malaman kung kailan gaganapin at magkaroon ng slot sa Free Basic Scriptwriting Workshop.