ni Nonie Nicasio
Nagkuwento si Chanel hinggil sa naturang project.
Aniya, “Kasama po ako sa Legal Wives kung saan ako po ay gaganap bilang si Faiza Makadatu, pinsan ni Ismael Makadatu (Dennis) na nagsilbi sa pamilya pagkatapos ipagtanggol nito sa kapahamakan.
“Ang Legal Wives ay isang istorya ng pamilyang Maranaw kung saan maipapahiwatig ang side ng mga issues ng ating mga kapatid na Muslim na usually ay misunderstood ng nakakarami.
“It aims to break xenophobia by showing us that even if we have different beliefs, we all experience the same issues and want the same things- peace, love and respect.”
Dagdag pa ng aktres, “Ito po ang first regular show ko sa time ng pandemya. Ang dami po na obstacles pero hanga po ako sa production at sa GMA to push through with a very noble and ambitious project.”
Ano ang reaksiyon niya dahil parang hindi siya nababakante lately sa GMA-7?
Masayang tugon ni Chanel, “I am very thankful for the trust and opportunities that GMA gave me through the years. Hindi po ako part ng Artist Center, pero ‘di po nila ako pinabayaan lalo na sa time na ito.”
Ipinahayag din ni Chanel ang pasasalamat na kahit pandemic ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho.