Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauline Mendoza nakatutok sa bubuksang Beautéderm store (Sa Pangasinan)

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KATATAPOS ng GMA-7 TV series na Babawiin Ko Ang Lahat na pinagbidahan ni Pauline Mendoza. Kaya saktong-sakto na marami siyang oras ngayon para tutukan nang husto ang bubuksang business na Beautéderm store sa Pangasinan.
 
Kuwento niya sa amin, “Sa ngayon po busy muna po ako rito sa business po, which is magtatayo na po ako ng Beautederm store here in Alaminos.”
 
Esplika ni Pauline, “Iyong store, ngayong June na po ang planong opening. May inaayos pa lang po na ibang kailangan sa store, but hopefully soon malapit na po!
 
“Ito po ay located sa Celeca Inc., Kalinga Foundation building, 2nd floor Barangay Poblacion, Alaminos City, Pangasinan.”
 
Matagal na ba niyang plano na magkaroon ng Beautéderm store?
 
Tugon niya, “Yes tito, matagal na po. And of course, tinulungan po ako ni Mommy Rei na magawa po na magkaroon ako ng sariling store, kaya I’m grateful for Tita Rei.”
 
Nabanggit din ni Pau (nickname ni Pauline) ang pag-alalay at payo sa kanya ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
 
Lahad ng Kapuso actress, “To be honest po, marami po siyang advices sa akin lalo pagdating sa negosyo and paghawak ng sariling money. Kailangan talaga na focus lang kung ano ang gusto mo sa buhay and matuto rin na magtipid and kung saan tamang i-invest ang money.”
 
Si Pauline ay isa sa Beautéderm ambassadors na may sariling store. Kabilang sa listahang ito sina Ms. Sylvia Sanchez, Ria Atayde, Alma Concepcion, sina Sherilyn Reyes at Ryle Santiago, ang husband and wife tandem nina Rochelle Barrameda and Jimwell Stevens, at iba pa.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …