Rated R
ni Rommel Gonzales
MATINDING pagsubok ang naranasan ni Kristoffer Martin noong tamaan ng Covid-19 ang kanyang buong pamilya.
Sino-sino ang dinapuan ng sakit at kailan eksakto? Ano ang matinding aral ang natutuhan niya rito?
Ano ang pinaghugutan ninyo ng tibay at lakas ng pagkatao para malampasan iyon?
“September last year sila tinamaang tatlo. Nag-start kay Mama tapos nagkahawaan na silang lahat.
“Mahirap lalo na malayo ako. Iba ‘yung anxiety ko kasi ‘di ko sila pwede puntahan. Pero ako ang naggo-grocery para sa kanila, inilalagay ko lang sa labas ng bahay.
“Mas naging matatag ‘yung relationship namin as a family. Mas nakita ‘yung importance ng isa’t isa sa amin,” pahayag ni Kristoffer.
Dahil sa krisis na pinagdaanan nila, isa si Kristopffer sa naghahangad at nananalangin na matapos na ang pandemya.
Kapag natapos na ang pandemya, saan niya unang gustong pumunta at bakit at sino ang isasama niya?
“Na-miss ko na mangibang bansa. Hindi pa kasi nakalalabas ang parents ko ng ibang bansa. Baka sila isama ko.”
At dahi nga sa pandemya ay maraming bagay ang hindi muna maaaring gawin. Para kay Kristoffer, ano ang isang bagay na nami-miss niya, na hindi niya muna magawa dahil sa pandemya?
“Nami-miss ko ‘yung external shows. ‘Yung magpe-perform ka sa mga fiesta at malls.
“Na-miss ko mag-perform sa harap ng maraming tao.”