Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto Barbie Forteza

Barbie tiwalang ‘di lolokohin ni Jak — Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to!


Rated R
ni Rommel Gonzales

SANAY na ba si Barbie Forteza kapag hanggang ngayon ay maraming nagpapantasya kay Jak Roberto?

“Oo naman! Actually, compliment na ‘yun para sa akin, ‘di bale na lang kung papatulan niya, ‘di ba? Siyempre ibang usapan naman ‘yun.”

May nagbiro, ayaw ba ni Barbie na i-share ang boyfriend niyang si Jak?

“Bakit ise-share? Airdrop? Ha! Ha! ha! Bakit ise-share? Hindi naman airdrop si Jak!”

Si Jak ba ay marunong magselos?

“Hindi seryoso, very mga pabiro, ganyan, kunwari ‘pag may pina-follow ako, nila-like ako, ganyan.”

Tulad nino?

“Ay hindi, mabait ako, hindi ako nagpa-follow ‘pag alam kong magseselos siya, hindi ko pina-follow.”

Wala rin naming pinagselosan si Jak kay Barbie.

“Wala naman, alam mo so far wala, ha? Eto, it’s safe to say, wala pa akong pinagselosan kay Jak, kahit ‘yung kunwari ‘di ba mayroon siyang ‘Bubble Gang?’  Siyempre lahat ng mga babae riyan naka-nyeknyek shorts, naka-tank top lang, ganyan, in all fairness naman, wala.

“Kasi naniniwala… ang maganda kasi kay Jak, naniniwala siya sa karma. 

“So, iyon ‘yung talagang thinking niya, na lahat ng bagay very mindful siya in doing…’yung mga ganyang bagay. Baka kasi bumalik sa kanya.”

Naniniwala naman si Barbie na faithful si Jak sa kanya.

“Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to lolokohin mo? Tanga, ha? Ha! Ha! ha!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …