HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NAGING very honest si Jake Zyrus sa isang interview niya in a podcast steamed live from New York City, sa #OAGOT (Over A Glass Or Two). At no-holds barred din naman kasi maghain ng kanilang mga tanong ang mga host na sina Jessy Daing at JCas sa direksiyon ni JV.
Inamin ni Jake ang mga pinagdaanan niyang hirap sa buhay, dahil lang sa pagpipigil niyang sabihin o ibuyangyang kung sino siya talaga.
Sabi nga niya he’s had his share of bashers and haters sa mula’t mula.
But as time went on, nag-mature na rin siya sa pagharap, pag-control at pag-handle sa mga ito.
Nakakatawa rin naman ang pagharap niya lalo na sa mga pagbabagong nakita niya sa katawan niya. Dahil nga sumailalim na siya sa pag-take ng mga gamot na may kinalaman sa pagpapaliit kundiman tuluyang pagtanggal na sa kanyang baka-umbok na boobies.
Masaya si Jake ngayon kahit may mga nambubuska pa rin sa kanya at tinatawag siyang Charice dahil mas gusto raw nila siya as her.
Dami ngang pakialamero sa paligid.
He doesn’t mind.
At ang nagpapakalma at kampante sa buhay niya ngayon ay ang partner na si Shy.
Mukhang bagay na bagay nga ang kalulunsad pa lang na awit ni Jake na may pamagat na Fix Me na mapakikinggan na sa lahat ng music platforms.
Mapagpakumbaba ang narinig naming Jake in the interview. Masayahin. Kuntento.
Noon pa nga nila balak ni Shy na magpakasal na sa Europe sana. Pero dahil nagka-pandemya, sa piling ng marami nilang kaibigan sa San Francisco, USA na ito magaganap. At pati ang pagkakaroon ng anak ay kasama na rin sa plano nila na maghihintay lang ng ilang taon.
Sa Pride Month, si Jake ay magpe-perform in this year’s NYC Pride in the ABC7NY broadcast. So tune in on ABC-7 from 12:00 p.m. to 3:00 p.m. ET on Sunday, June 27 as well on ABC7NY.com and ABC7 New York’s Connected TV Apps on streaming platforms Amazon Fire TV, Android TV, Apple TV, and Roku. With the hashtagna #thefightcontinues.
At ang music video for Fix Me by Jake is OUT NOW na nga so, pakinggan. It is written & composed by Grammy-winner Kenneth Mackey, Swedish singer-songwriter Andreas Moss & American record producer Joshua Bronleewe na ipinrodyus naman ng Fil-Am music director na si Troy Laureta. Ang link sa YouTube: https://youtu.be/3CaefyyY3qU.