SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
ANG bongga ni Sue Ramirez ha. Imagine, ang kanyang kilig series na Boyfriend #13 ang unang handog ng WeTV.
Kaya kung ‘di pa ninyo nahahanap ang inyong the one, ito na ang sagot mula sa Boyfriend #13 na isang WeTV Original romantic comedy series na mapapanood ngayong June.
Si Kim ni Sue sa Boyfriend #13, na bagamat 20 something pa lang eh may lumang paniniwala. Bawat galaw niya ay de numero para hindi siya magkamali dahil na rin sa marami niyang pamahiin. Siya iyong babaeng mahilig magbasa ng kanyang horoscope araw-araw, nagsusuot ng mga lucky charm pantaboy ng mga bad luck, at regular na nagpupunta sa manghuhula.
Si JC De Vera ang sinasabi niyang destiny dahil na rin sa mga sign na nakita niya nang magpahula siya. Kaya naman maingat na pinlano lahat ni Sue kasama ang ka-officemate Bob (JC Santos) para hindi sila magkahiwalay.
Kasabay nito, inilunsad ng WeTV ang tarot-inspired cast cards at official show poster via its official social media accounts, para magbigay pag-asa sa mga fan at fellow hopeless romantics ng first look sa certifiably kilig new show ukol sa pagiging lucky sa love.
Ang Boyfriend #13 ay ang newest WeTV original series na prodyus ng streaming service, at ito ang kanilang second romantic comedy ngayong 2021. Ito ay idinirehe ni John Lapus.
Para makapag-stream ng lahat ng panoorin sa WeTV Originals at iba pang Asian Premium Content, original series, Filipino shows and anime, mag-download ng WeTV app sa App store at Google Play. Nagkakahalaga lamang ang monthly subscription ng P99, quarterly P269, at ang annual subscription ay P999.
Ang Tencent Video ay nangungunang leading online video platform ng China na may 100 million paid subscribers, at ang WeTV ay product nila para sa mga overseas user. Simula 2019, ang WeTV ay available sa Indonesia, Malaysia, Thailand, Philippines, India, at iba pang lugar. Ang WeTV ay ang kauna-unahang Chinese streaming service platform na ilulunsad in multiple overseas regions.