Wednesday , November 20 2024
vilma santos nora aunor

T-Bird at Ako nina Nora at Vilma, closing film ng 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Filmfest

MAPAPANOOD ang restored version ng classic film na pinagsamahan nina Nora Aunor at Vilma Santos titled T-Bird at Ako na pinamahalaan ni Danny Zialcita. Ito’y magaganap sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo, idadaraos ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online mula Hunyo 4 hanggang 30.

Ang PelikuLAYA ngayong taon na may temang Sama-Sama, Lahat Rarampa! ay naglalayong mas bigyan ng empowerment ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa pagpapalabas ng lokal at internasyonal na mga pelikula at pagsasagawa ng film talks at lectures, drag yoga event, at musical performances.

“The Film Development Council of the Philippines is relaunching PelikuLAYA this year as an annual LGBTQIA+ film festival organized by the national government as our way to express our continued support for gender equality and inclusivity by creating platforms to bring to light the struggles, celebrate the achievements, and champion the causes of the LGBTQIA+ community,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Simula Hunyo 4, mayroong 23 subscription films na mapapanood sa halagang P99 sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) kasama ang pitong pelikulang puwedeng mapapanood hanggang Hunyo 30: Masahista ni Brillante Mendoza, I Love You. Thank You ni Charliebebs Gohetia, Mga Gabing Kasing Haba ni Hair Ko ni Gerardo Calagui, Miss Bulalacao ni Ara Chawdhury, Ang Huling Cha-Cha Ni Anita ni Sigrid Andrea P. Bernardo, Best. Partee. Ever. ni HF Yambao, at Ned’s Project ni Lem Lorca.

For rental naman simula Hunyo 4 ang award-winning French film na Portrait of a Lady on Fire ni Céline Sciamma nina Adèle Haenel at Noémie Merlant. Ang 2019 Cannes awardee para sa Queer Palm Prize at Best Screenplay ay maaaring panoorin sa P220 na may 7-day access na magwawakas tapos ng 48 na oras mula sa unang pagbukas nito.

Magpapalabas ang PelikuLAYA ng apat na libreng pelikula sa festival: Ang documentary ni Rhadem Morados na Budjang at tatlong shorts mula sa CineSpectra 2019: A Film Festival for HIV/AIDS Awareness – A ni Rod Modina, Alex & Aki ni Dexter Paul de Jesus, at Doon sa Isang Sulok ni Yong Tapang, Jr. Gaganapin din ang libreng one-time screening ng Lihis ni Joel Lamangan para sa opening program at T-Bird at Ako ni Zialcita para sa closing program.

Upang mapanood ang mga pelikula sa PelikuLAYA, bisitahin at mag-rehistro sa FDCP Channel. Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, bisitahin ang https://www.facebook.com/fdcpchannel o fdcpchannel.ph.

About Nonie Nicasio

Check Also

Sahara Bernales Maryang Palad

VMX star Sahara Bernales proud sa tatay na transgender

I-FLEXni Jun Nardo HINDI ipinagkakaila ng VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pagiging IP (indigenous people) niya. …

Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian …

Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang …

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *