ni Nonie Nicasio
Lahad ng aktor, “Memorable yung Double Barrel ni Direk Toto Natividad, dahil binigyan niya ako ng chance na maging parte ng buong pelikula bilang main kontrabida. Pinakamahirap naman yung pelikula ni Direk Dante (Mendoza) na Mindanao, dahil pinagawa sa amin na maging tunay na sundalo na sumasabak sa giyera. Pinadala sa amin yung totoong assult rifle at mga gamit ng totoong sundalo, tapos nagpunta talaga kami sa liblib na lugar na alam mo na may mga taong labas na taga-roon, mga totoong sundalo ang kasama naming artista at hindi talent.”
Nagsimula si Richard sa showbiz ng late 90’s at ang contemporaries niya ay sina Simon Ibarra, Mon Confiado, at ang isa sa idol niyang si Allen Dizon.
Nabanggit din niya kung kaninong artista siya bilib. Saad ni Richard, “Si Allen Dizon po. Kasi may lalim ang acting niya at alam niya kung kailan kailangang ibuhos ang emosyon.”
Aniya pa, “Nakatrabaho ko si Allen sa AMO at Alpha The Right to Kill na parehong kay direk Dante Mendoza.”
Paano niya ide-describe ang sarili as an actor? “Para po sa akin, sa tingin ko po, nasa character actor po nakahilig ang linya ko. Dahil iba’t ibang role mas challenging, mas lalo akong nae-excite na mag-work,” pakli pa niya.
Bukod sa pagging actor, si Richard ay isang fight director din at nagtuturo ng Martial Arts (Aikido and Arnis) sa kanyang sariling dojo (training place).
Bilang isang sensei, siya ay isang Senior 3rd Degree Blackbelt sa Aikido at Chief Instructor ng Aikido Brotherhood Club.
Si Richard ay kasalukuyang nasa lock-in taping ng TV series na Viral na tinatampukan nina Joshua Garcia, Charlie Dizon, Jake Cuenca, Dimples Romana, at iba pa.