Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens napa-wow sa mala-Disney na Lolong

Rated R
ni Rommel Gonzales

MARAMI ang nagandahan at humanga sa teaser ng Lolong na ipinakita nitong Lunes sa 24 Oras.

Mabilis ding naging trending sa Twitter ang #Lolong na kasama sa mga programang nakalinya ng Kapuso Network ngayong taon. Talaga namang napa “Wow!” ang mga naka­panood sa pasilip sa upcoming adventure series ng GMA Network na pagbibidahan ni Ruru Madrid.

Ang Lolong ang sinasabing biggest primetime adventure series sa Pilipinas ngayong 2021 at kung pagbabasehan ang reaction ng mga nakapanood sa teaser, promising talaga ang nasabing serye na handog ng GMA Public Affairs.

May ilan pang nag-comment na parang Disney ang gumawa ng teaser at nakabibilib talaga ang animatronics na gagamitin para sa karakter na si Dakila—ang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa serye.

Bukod kay Ruru, bibida rin sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Marami talagang exciting shows na dapat abangan sa GMA ngayong taon!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …