NAKAAALARMA ang naging desisyon ng ibang mga bansa tungkol sa pananaw nila sa Sinovac CoVid-19 vaccine na karaniwang ibinibigay ngayon sa mamamayang Filipino.
Para sa European Union na nagbigay ng pahintulot sa mga turista upang makapasok muli sa kanilang mga bansa. Ngunit kapansin-pansin ang kanilang pagkiling sa mga bakuna ng AstraZeneca, Johnson & Johnson, Moderna, Pfizer-Biotech, and Sinopharm, dahil ang mga turistang nabakunahan ng nabanggit na brand ang tangi nilang tatanggapin sa kanilang bansa.
Gayondin ang naging pananaw ng ilang bansa sa Gitnang Silangan gaya ng Israel at Saudi Arabia na tumanggi sa bakunang Sinovac na itinurok sa karamihan ng overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Middle East.
Kailan lang ay nagkaroon ng temporary suspension para sa deployment ng mga OFW sa Saudi na pinirmahan ni DOLE Secretary Bello.
Ito ay sa kadahilanang pagtanggi ng kanilang employers at foreign agencies na sagutin ang insurance para sa CoVid-19 sa pagpasok nila sa Saudi Arabia.
Isa rin sa requirements ang pagkakaroon ng CoVid-19 vaccine para sa mga OFW na papasok, ngunit tinanggihan ng gobyerno ng Saudi Arabia ang Sinovac.
Hindi sila makapagde-deny dahil sa “vaccine certificate” na ipepresinta nila pagpasok sa bansang kanilang pupuntahan.
Pero agad na binawi ni Sec. Bello ang kanyang memo after two days sa Saudi bound OFWs.
Kaya naman pala mismong si Digong ay hindi nagpaturok ng Sinovac. Kundi tayo nagkakamali ay mas pinili niya ang vaccine na Sinopharm.
Sa ngayon, maging ang Amerika at Canada ay masusing pinag-aaralan kung tatanggapin nila ang mga turista na tinurukan ng Sinovac.
Base sa pag-aaral ng mga eksperto, hindi pa lubos na napatunayan kung epektibo ang Sinovac sa UK and Indian variant ng CoVid. ‘Di gaya ng AstraZeneca, Pfizer, Moderna, at iba pa na sinasabing may kakayahan upang labanan ang mga ganitong variants.
Hindi naman kaya ‘bias’ lang ang mga nasabing bansa dahil kalaban nila ang China?
Sana naman sa darating na araw ay magkaroon ng konsiderasyon pagdating sa Sinovac vaccine.
Dahil kung ito man ay magtutuloy-tuloy, maging ang medical frontliners, gaya ng mga doktor at nurses at empleyado ng gobyerno na tumanggap na ng Sinovac ay siguradong apektado rin.
Paano naman kaya ‘yung regular travelers na IOs ng BI na madalas ay umaabot sa apat hanggang limang biyahe kada taon?
Kung Sinovac ang vaccine n’yo e ‘di tengga muna kayo, guys?
Ipon-ipon na lang muna habang wala pa ulit ‘pastillas.’
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap