Friday , April 18 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Uniporme ng Lucena City employees ‘tatak-Suarez’

‘GENIUS’ talaga ang kasalukuyang Quezon governor Danilo Suarez.

Genius para sa kanyang political career lalo’t 11 buwan na lang ay mag-eeleksiyon na naman.

Mantakin ninyong maisipan niyang lagyan ng kanyang pangalan ang uniporme ng P2,500 kawani ng probinsiya bukod pa sa mga contractual at job order workers?!

Mayroon kasing bagong uniporme ang mga kawani ng Quezon. Ito ang kanilang isusuot mula Lunes hanggang Huwebes.

Ayon sa mga kawani, ‘yung isusuot nilang uniporme sa araw ng Miyerkoles ay may nakalagay na ‘Serbisyong Suarez’ sa likod, sa itaas na bahagi. Medyo maliit ang mga letra. Kumbaga, hindi pa masyadong garapal.

Pero ‘yung unipormeng pang-Huwebes, na patakarang isusuot lahat ng mga kawani ay may nakalagay sa likod, sa itaas na bahagi — Gov. Danilo Suarez, bukod pa ‘yung napakalaki at all caps na SERBISYONG SUAREZ.

‘Yan po ay kulay GREEN — ang sinasabing kulay na identified sa gobernador.

Mukhang wala namang problema…

Pero, ang nasabing uniporme ay hindi naman pala regalo ni Gov.

Ito pala ay mula sa “clothing allowance” ng mga empleyado.

Wattafak!

E hindi ba’t ipinagbabawal sa batas, sa mga taong gobyerno ang mangampanya para sa isang kandidato?

E bakit pinagsusuot ng gobernador ng unipormeng may pangalan niya ang mga kawani?!

Ano ‘yan, libreng pangangampanya, tosgas ang kabang yaman ng pamahalaan mula sa ibinayad na buwis ng mamamayan?!

Kapalmuks naman!

Ayon sa mga kawani, ang utak umano ng gimik na ito ay ang hepe ng Provincial General Services Office na si Tina Talavera.

Ms. Tina Talavera, may katotohanan ba ito?

Ang sabi pa raw nitong si Ms. Talavera: “Kahit labhan pa ng ilang beses iyong unipormeng kulay ‘green’ ay hinding-hindi ito magigingn kulay ‘orange.’

Ito raw si Ms. Tina T., ay isa sa most trusted official ni Gov. Suarez.

At kung susuportahan daw ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta ang kandidatura ni Congw. Helen Tan, ay tatapatan naman siya ni Ms. Tina T.

Parang naglalaro lang ng ahedres si Gov. Suarez ha?! Parang genius talaga. Hik hik hik!

By the way, hindi ba’t ilegal at imoral ‘yang gimik na ‘yan ni Gov. Suarez na patatakan ng pangalan at slogan niya ang uniporme ng mga kawani?!

Maagang pangangampanya na, ginamit pa ang pera ng sambayanan.

Mantakin ninyong nasa panahon ng pandemya ‘e nakuha pang ‘gumimik’ para sa kanyang ‘political campaign.’

E sabi nga ng mga empleyado, ‘sukang-suka’ na sila sa gimik at style nitong mga Suarez, tapos ngayon sapilitan pa silang pagsusuutin ng unipormeng may malaking tatak ng kanilang pangalan. Kaya parang pinalalabas na ini-endorse nila ang isinusuka na nilang gobernador.

DILG Secretary Edong Año Sir, and DILG Undersecretary Martin Diño — mga Sir, mukhang ginagawa kayong engot nitong si Gov. Suarez sa mga pinaggagawa niya.

Baka kailangan ng matinding paalala ni Gov. Suarez, Secretary Edong, e pakisampolan na nga po. Masyado yatang minamaliit ang pang-unawa ninyo sa local government.

Tsk tsk tsk…

Gov. Suarez, hinay-hinay sa paglulustay ‘este’ sa paggimik — pera ng sambayanan ‘yan.

Kung gusto mong gumimik para sa kampanya mo, dumukot ka sa sariling lukbutan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *