Saturday , November 16 2024
Navotas

Navotas, PSA nagsimula na para sa national ID

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).
 
“The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits applicable to them,” ani Mayor Toby Tiangco.
 
Ilang mga residente ng Brgys. Bagumbayan South, Bangkulasi, North Bay Boulevard North (NBBN), San Roque, Sipac-Almacen, Tanza 2, Tangos North at South ang nakakompleto ng unang step sa national ID registration.
 
Nauna rito, nagsagawa ang mga tauhan ng PSA ng house-to-house interviews sa naturang mga barangay para sa demographic data collection. Gayonman, nahinto ito, kasunod ng muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.
 
Ang mga residente na nakompleto ang Step 1 ay sumasailalim sa biometric enrollment.
 
Hinihikayat ang mga Navoteño na hindi na-interview ng PSA na magparehistro sa PhilSys online portal, sa sandaling ito ay magagamit para sa mga residente ng lungsod.
 
Sa Step 2, ang supporting documents ng nagparehistro ay ipapakita ang kanyang demographics para mai-encode, ang kanyang biometric ay makukuha at maitatala, at siya ay bibigyan ng isang transaction slip.
 
Magkakasabay na isasagawa ang registrations sa apat na lugar sa lungsod kabilang ang Navotas City Hall mula 31 Mayo – 3 Hunyo; Brgy. NBBN Covered Court, 1 Hunyo – 10 Agosto; Navotas City Library, 3 Hunyo –30 Disyembre; at Brgy. Tanza 2 Multi-Purpose Hall, 5 Hunyo – 30 Oktubre.
 
Para masigurong nasusunod ang mga safety protocols, limitado ang tatanggaping bilang ng mga magpaparehistro kada-araw.
 
Kapag available na ang National ID, ipadadala ito sa address ng nagparehistro. Dapat niyang ipakita ang kanyang transaction slip o anomang patunay ng pagkakakilanlan upang makuha ang ID. Kung wala siya para tanggapin ang ID, maaari siyang magpahintulot ng isang kinatawan. Kailangan ipakita ang transaction slip, authorization letter, at valid ID ng registrant. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *