Rated R
ni Rommel Gonzales
KAPWA mga bilanggo sina Michael at Evelyn sa kani-kanilang buhay. Dating macho dancer, holdaper, drug pusher, at isang jail inmate si Michael nang makilala niya si Evelyn na isang abused OFW Domestic Helper sa Hong Kong na parang isang preso na rin dahil sa mga responsibilidad sa kanyang malupit na amo at sa kanyang pamilya bilang isang breadwinner.
Hanggang sa naging magka-chat sila sa Facebook at nagkaroon ng relasyon pero inilihim ni Michael na nakapiit siya sa Bilibid sa takot na mahusgahan siya at layuan ni Evelyn na minamahal na niya at naging inspirasyon para sa kanyang pagbabagong-buhay.
Ngayong Sabado, June 5, 8:00 P.M., saksihan natin ang isang nakakikilig at nakaiiyak na special at fresh episode ng Magpakailanman na pinamagatang Prisoners of Love. Pinagbibidahan ito nina Kapuso star Kristoffer Martin; Elle Villanueva; Victor Anastacio ; at Don Umali.
Sa direksiyon ni Conrado Peru, panulat ni John Roque, at pananaliksik ni Angel Lauño.