Saturday , November 16 2024
ombudsman

Mayor, DepEd usec, kinasuhan ng graft sa Ombudsman (Sa P320-M pagbili ng tablets)

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, dalawang opisyal ng lungsod, at ang Undersecretary ng Department of Education (DEPED) kaugnay ng umano’y maeskandalong pagbili ng dispalinghadong tablets para sa online class ng mga estudyante na nagkakahalaga ng P320 milyones.
 
Umabot sa 13-pahina ang reklamong inihain sa Ombudsman nina City Councilors Christopher “PJ” Malonzo, Marylou Nubla at Alexander Mangasar, sa anila’y katiwalian sa Caloocan City.
 
Kasama sa mga sinampahan ng kasong katiwalian kahapon, 2 Hunyo 2021, Miyerkoles, sina DepEd Undersecretary Alain del Pascua, City Treasurer Analiza Mendiola, Bids and Awards Committee chairman, Engr. Oliver Hernandez, at ang supplier ng substandard tablets na si Annalou Pallarca, Senior Project Officer ng kompanyang Cosmic Technology Incorporated.
Ayon sa reklamo, ang mga kinasuhan ay nagsabwatan sa pagbili ng overpriced gadget na kalaunan ay hindi magamit sa online class ng maraming estudyante ng lungsod.
 
Kinuwestiyon din ng mga complainant ang kawalan ng public bidding sa pagbili ng daan-daang milyong pisong tablets na lantarang paglabag sa Procurement Law ng pamahalaan.
 
Kaugnay nito, binanggit din ng mga complainant na makailang ulit silang nagpadala ng liham kay Mayor Malapitan para hingiin ang detalye ng naging proseso ng pagbili ng gadget sa halagang P4,930 bawat unit ng Cherry Cosmos 7 ngunit umabot umano sa walong buwan bago sumagot.
 
Nakasaad sa inaprobahang ordinansa, dapat ay mag-ulat ang alkalde 15 araw matapos ang proseso.
 
Ayon sa mga konsehal, ang mataas na uri na Cherry Mobile Superior Radar Deluxe 2, ay nagkakahalaga lang ng P3,299 at pasok sa technical specification ng Division of City Schools, ngunit mas pinili ng mga inasunto ang mahal ngunit out model at mababa ang quality.”
 
Binigyang-diin ng mga konsehal na nakatipid sana ng P79,579,226 ang lungsod kung ang binili ni Malapitan ay superior quality na bukod sa mura ng 33%, mas mataas pa ang kalidad nito.
 
Imbes P320 milyon, aabot sana sa P239,125,554 ang gastos ng lungsod kompara sa binili ni Malapitan na Cosmos 7 na matagal nang wala sa merkado dito man o sa abroad.
 
Samantala, ayon kay Malapitan, wala pa siyang natatanggap na kopya ng reklamo laban sa kanya pero naniniwala siyang ibabasura ng Ombudsman ang kaso, kasabay ng pagsasabi na ang lahat ng proyekto ay dumaan sa tamang proseso.
 
Dagdag ni Malapitan na may isinagawang competitive public bidding para sa pagpili at pagbili ng digital tablets taliwas sa akusasyon ng mga complainants.
 
Sinabi naman ni Pascua, wala siyang kinalaman sa procurement process ng lungsod sa pagbili ng gadgets.
(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *