Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jelai Andres nag-file ng concubinage complaint laban sa asawang si Jon Gutierrez

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Nag-file ng panibagong legal complaint na concubinage ang social media personality and at the same GMA actress na si Jelai Andres against her ex-husband Jon Gutierrez of the hip-hop group Ex-Battalion sa Department of Justice (DOJ) sa Quezon City last Tuesday, June 1.

Nag-coincide ito ng kanyang pagdalo sa pangalawang hearing ng kanyang reklamong paglabag sa RA 9262, o Violence Against Women And Children Act, na kanyang unang isinampa laban sa asawa.

According to Jelai, nagkaroon pa sila ng komunikasyon ni Jon, but in the end, he admitted his relationship with his concubine, the very reason why she has come to the decision of filing a concubinage case.

Paliwanag ni Andres nang humarap ito sa media last Monday, June 1.

“Meron pa po akong na-file na ibang cases sa ibang taong involved maliban kay Jon.

“Sobr4a na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos ‘yung kabilang panig pa ‘yung naghahamon at parang matatapang.

“I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice.”

Inaasahan raw niyang may matututuhan ang mga taong hindi marunong rumespeto sa sanctity ng marriage.

Kasama ni Andres sa nasabing paghaharap ang kanyang legal counsel na si Atty. Faye Singson.

May dalawang kasali pa raw na personalidad in connection with the legal complaint, but she chose not to mention them.

Suffice to say, nakitaan umano ng prima facie evidence na talagang may aktong pakikiapid si Jon.

According to Jelai, kailangan raw niyang gawin ito para kanyang mabigyan ng proteksiyon ang kanyang sarili at ipaglaban ang kanyang karapatan bilang tao.

“Huwag nilang i-normalize ang pakikiapid.

“Ignorance of the law is not an excuse, lalo na kung wala kang pakialam.

“‘Yung selfish ka, at handa kang makasira at makasakit ng tao, handa kang makasira sa pamilya ng iba.

“Kailangan ko lang ipaglaban ang pagkababae ko. Hindi lang bilang babae, kundi bilang tao po.

“Sobra na po kasi… Eto na, kailangang kong ipagtanggol ang pagkatao ko.”

Right after ng dalawang reklamong kanyang naisampa, kasunod na raw nito ang kanyang paghahain ng annulment of marriage.

Looking back, matatandaang ikinasal sina Jelai at Jon last October 2018. They were both 29 years old.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, NHong!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …