Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella sa kanyang mga insecurity — Kailangang ma-realize na mayroon tayong kanya-kanyang kagandahan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


AMINADO
si Ella Cruz na marami rin siyang insecurities before. Kaya naman naka-relate siya sa ginagampanan niyang role sa pelikulang Gluta ng VivaMax, isang Aeta na nangangarap maging beauty queen  na idinirehe ni Darryl Yap at mapapanood na sa July 2 kasama si Marco Gallo.

Sa virtual media conference kahapon sinabi ni Ella na unang-una niyang ikinai-insecure ay ang pagiging maliit.

“Una sa lahat ang liit ko, maraming mas magaganda sa akin, medyo hindi ako makinis noong nagsisimula ako.

“Pero growing up, pero siguro hanggang ngayon mayroon pa rin akong insecurities pero minsan kailangan mong ma-realize na mayroon tayong kanya-kanyang kagandahan,” sambit ni Ella na malaking hamon para sa kanya ang pagbibida sa Gluta dahil pinaitim ang kulay ng kanyang balat, mukha, at buong katawan para magmukhang Aeta.

Sinabi pa ni Ella na,”In-accept ko na mayroong mas magaganda sa akin. In accept ko na a, ‘siguro mas manda siya pero ako mas magaling sumayaw,’ ‘yung mga ganoon po.

“Lagi kong sinasabi na ‘I don’t have much magazine covers, siguro hindi pang-magazine ang mukha ko.’ Sinasabi ko okey lang sige, pero I have more projects na iba naman. Na I’m blessed to have more movies na napu-fulfill ko and I have awards. ‘Yun siguro ang pinaka-nagsabi sa akin na ‘Im doing fine, I’m doing great, I’m doing good in this industry na wala man ako, hindi man laging nasa cover ng magazines, cover ng mga famous magazines na ‘yan at least I have an award na confirming na I’m doing great.

“And lahat tayo, may kanya-kanyang insecurities but we have to embrace it para malaman natin kung saan tayo mag-e-excel.”

Sinabi pa ni Ella na maling ikompara ang sarili sa ibang tao.

“Mali na ikino-compare natin ‘yung sarili sa ibang tao. Pero kailangan growing up, siguro kung bata ka pa, acceptable pa ‘yun, pero growing up you need to know how to heal that part, how to handle that part na hindi natin ikino-compare ang mga sarili natin. Kasi if we keep on comparing ourselves to others wala, lagi lang tayo, ‘a hindi siya na lang paano naman ang sarili mo.’ Magiging busy ka na ikino-compare mo ang sarili mo sa others. Hindi mo na nababantayan ang sarili mo.

“So ako na-embrace ko na kung sino talaga si Ella.”

Iginiit pa ni Ella na, “And now I’m happy with myself kahit na may mga imperfection ako, kasi that’s what makes me perfect.”

Ukol naman sa karakter na ginagampanan niya, sinabi ni Ella na, ”Halos hindi niyo po ako makikilala dahil sa hitsura ko at mahahaba ang mga linya at eksena. Isang take lang ang lahat ng mga eksena ko.

“This is a comedy-drama movie pero punumpuno ng lesson,” sambit pa ni Ella.

Kasama rin sa Glut  si Juliana Parizcova Segovia gayundin sina Rose Van Ginkel , Cristina Gonzales  at iba pa.

Panoorin ang Gluta ngayong July sa Vivamax at mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Vivamax, atin ‘to!

Mapapanood din ang Gluta sa Vivamax Middle East! Kaya sa mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …