ANIM katao ang inaresto na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang security guard at 17-anyos estudyante matapos maaktohan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Ayon kay P/Cpl. Pamela Joy Catalla, habang nasa loob ng kanilang opisina ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong 11:30 pm nang personal na lumapit ang Supervisor ng Wilcon Gasoline Station at ipinaalam sa kanila na may natagpuan siyang drug paraphernalia sa loob ng security guard barracks sa Wiloil gasoline station sa #58 Pio St., Brgy. Marulas.
Pinuntahan ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Conrad Alajas, 29 anyos, security guard ng nasabing gasoline station matapos maaktohang sumisinghot ng shabu sa loob ng barracks dakong 1:00 am.
Narekober kay Alajas ang 2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga, ilang drug paraphernalia at cellphone.
Dakong 6:30 pm nang maaktohan din ng mga operatiba ng SDEU sina Alvin Cunanan, 31 anyos, Edmari Ablang Rebudal, 27, Julius Trazo Entienza, 27, John Rey Tudera, 18, at ang 17-anyos binatilyong grade 7 student na nagpa-pot-session sa loob ng bahay sa #4284 Orosco St., Mapulang Lupa sa isinagawang validation matapos ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa naturang lugar.
Ani SDEU investigator P/SMSgt. Fortunato Candido, nakompiska sa mga suspek ang nasa 0.5 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang nasa P3,400 ang halaga, at ilang drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang ini-turnover sa pangangalaga ng DSWD ang menor-de-edad. (ROMMEL SALES)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …