La Voilette at Acne Loin, 2 bagong exciting products ng Beautéderm
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAY dalawang kapana-panabik at bagong produkto ang hatid ng Beautéderm Corporation sa pagtatapos ng ikalawang quarter ng taon – ang La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at ang Acne Loin.
Gaya ng kasabihang necessity is the mother of all inventions, ang La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at Acne Loin ay conceptualize at ini-develop ng Beautéderm bilang daily essentials para sa karagdagang hygienic protection ngayong panahon ng pandemya.
Ang La Voilette ay isang all-natural product na mayroong germ-killing properties sapagkat kaya nitong patayin ang 99.9% ng mga bacteria at viruses. Extra special din ang La Voilette dahil mayroon itong active SymUrban ingredient, na isang potent toxin neutralizer na napatunayang mas epektibo kompara sa alcohol at sunscreen.
Sa ilang sprays lamang, pinoprotektahan ng La Voilette Anti-Pollution Hair Sanitizer, na mayroong dalawang variants – ang Sunrise Mist at Twilight Fog, ang buhok laban sa environmental pollution. Ito’y nagbibigay ng moisture sa hair strands, prevents breakage and hair fall, at pinoprotektahan din nito ang buhok sa harmful effects ng direct exposure sa araw. Perfect na partner ng La Voilette ang dalawa pang bagong Beautéderm products – ang Detangle Hair Brush at Beauté L’ Cheveux hair oil.
Ang Acne Loin naman ay kombinasyon ng antibacterial, soothing, at anti-irritant natural ingredients na napatunayang tumutulong sa pag-reduce ng acne sa baba at iba pang bahagi ng mukha na karaniwang natatakpan ng facemask. Mayroong brightening and skin lightening extracts ang Acne Loin na tumutulong i-lighten ang mga ‘di kanais-nais na acne marks at spots. Maaari rin gamitin ang Acne Loin sa paglilinis at pag-freshen up ng facemasks, para sa ligtas at epektibong reuse.
Pahayag ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
“Lahat tayo ay kailangang maging extra careful lalo ngayon na ang layunin nating lahat ay ma-flatten ang curve para sa kaligtasan nating lahat.”
Aniya, “With all that is happening now especially with the pandemic, sanitizing everything that we touch is a must – when we go out to run errands, we shower right away as we get home to wash away all the bacteria that stick to our body. Kailangan nating i-sanitize ang ating mga kamay at pati na rin ang ating mga buhok at ang mga masks na isinusuot natin araw-araw.”
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at Acne Loin, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.