Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautéderm may mga bagong exciting products

DALAWANG bago at kapana-panabik na mga produkto ang hatid ng Beautéderm Corporation sa pagtatapos ng ikalawang quarter ng taon– ang La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at ang Acne Loin.

Gaya ng kasabihang necessity is the mother of all inventions, nabuo at na-develop ng Beautéderm ang La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at Acne Loin bilang daily essentials para sa karagdagang hygienic protection ngayong pandemya.

Ang La Voilette ay isang all-natural product na mayroong germ-killing properties sapagkat kaya nitong patayin ang 99.9% ng mga bacteria at viruses. Extra special din ang La Voilette dahil mayroon itong active SymUrban ingredient, na isang potent toxin neutralizer na napatunayang mas epektibong ikompara sa alcohol at sunscreen.

Sa ilang spray lamang, pinoprotektahan na ng La Voilette Anti-Pollution Hair Sanitizer, na mayroong dalawang variants – ang Sunrise Mist at Twilight Fog, ang buhol laban sa environmental  pollution. Nagbibigay din ito ng moisture sa hair strands, prevents breakage and hair fall, at pinoprotektahan nito ang buhok sa harmful effects ng direct exposure sa araw. Perfect na partner ng La Voilette ang dalawa pang bagong Beautéderm products – ang Detangle Hair Brush at Beauté L’ Cheveux hair oil.

Ang Acne Loin naman ay kombinasyon ng antibacterial, soothing, at anti-irritant natural ingredients na napatunayang tumutulong sa pag-reduce ng acne sa baba at iba pang bahagi ng mukha na karaniwang natatakpan ng facemask. Mayroong ding brightening and skin lightening extracts ang Acne Loin na tumutulong i-lighten ang mga ‘di kanais-nais na acne marks at spots. Maaari ring gamitin ang Acne Loin sa paglinis at pag-freshen up ng facemasks para sa ligtas at epektibong reuse.

“Lahat tayo ay kailangang maging extra careful lalo na ngayon na ang layunin nating lahat ay ma-flatten ang curve para sa kaligtasan nating lahat,” anang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan. ”With all that is happening now especially with the pandemic, sanitizing everything that we touch a must – when we go out to run errands, we shower right away as we get home to wash away all the bacteria that stick to body. Kailangan nating i-sanitize ang ating mga kamay pati na rin ang ating mga buhok at ang mga mask na isinusuot natin araw-araw.”

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa La Voilette Anti pollution Hair Sanitizer at Acne Loin, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …